Ang impeksiyon,[1] lalin[1], lanip[1], hawa[1], pagkakahawa[1], o pagsakop ay ang pagpasok ng mikrobyo sa loob ng mga himaymay ng katawan, pati ang paglaganap nito habang nasa loob ng katawang pinasok o nahawahan. Isa ring kakayanan ang paghawa na mapasa, masalin, o malipat ang mga karamdaman o mikrobyong nagdudulot ng karamdaman mula sa isang tao patungo sa ibang tao sa pamamagitan ng pagkalat ng mga nasabing mikrobyo.[2] Tumutukoy din ang salitang ito sa mismong mikrobyo o maruming bagay na nagdudulot ng pagkalat ng karamdaman.[1]
Isa sa maraming paraan ng paghawa o paglaganap ng pagsakop ay sa pamamagitan ng maliit na patak, kung kailan ang isang taong may nakahahawang karamdaman ay umubo, bumahing, dumura (o lumura), o kahit nagsalita lamang, ay nakapagbusay ng pamasa sa hangin. Nakahalo sa mga "maliliit na tulo" o "maliliit na patak" na ito ang mga mikrobyo ng karamdaman, kaya't nasisinghot ng sinumang malapit.[2]
Sabay-sabay na pagkahawa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang sabay-sabay na paghawa (sa Ingles ay coinfection) ay ang paghawa ng dalawa o higit pang sakit sa isang host o tagapadala. Sa birolohiya, sinasama sa sabay-sabay na paghawa ang sabay-sabay na paghawa ng isang selula ng dalawa o higit pang bayrus.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- 1 2 3 4 5 6 Gaboy, Luciano L. Infection - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
- 1 2 "Infection, Droplet infection, at Contagious, Some Medical Terms, Diseases". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977., pahina 206.
