VOOZH about

URL: https://tl.wikipedia.org/wiki/Gandara

⇱ Gandara - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya


Pumunta sa nilalaman
Gandara

Bayan ng Gandara
👁 Image
👁 Mapa ng Samar na nagpapakita sa lokasyon ng Gandara.
Mapa ng Samar na nagpapakita sa lokasyon ng Gandara.
Mga koordinado: 12°00′47″N 124°48′42″E / 12.013°N 124.8118°E / 12.013; 124.8118
Bansa👁 Image
Pilipinas
RehiyonSilangang Kabisayaan (Rehiyong VIII)
LalawiganSamar
Distrito 0806007000
Mga barangay69 (alamin)
Pamahalaan
Punong-bayanEufemio de los Santos Oliva
•Manghalalal29,030 botante (2025)
Lawak
•Kabuuan573.49km2 (221.43milyakuwadrado)
Populasyon
(Senso ng 2024)
•Kabuuan36,826
•Kapal64/km2 (170/milyakuwadrado)
•Kabahayan7,834
Ekonomiya
Kaurian ng kitaika-2 klase ng kita ng bayan
•Antas ng kahirapan35.15% (2021)[2]
•Kita₱319.2 million (2022)
•Aset₱548.7 million (2022)
•Pananagutan₱87.18 million (2022)
•Paggasta₱254.3 million (2022)
Kodigong Pangsulat
6706
PSGC
0806007000
Kodigong pantawag55
Uri ng klimaTropikal na kagubatang klima
Mga wikaWikang Waray
Tagalog
Websaytlgugandarasamar.gov.ph

Ang Bayan ng Gandara (Ingles: Municipality of Gandara; Waray: Bungto han Gandara) ay isang ika-2 klaseng bayan sa lalawigan ng Samar, Pilipinas. Ayon sa senso ng 2024, ito ay may populasyon na 36,826 sa may 7,834 na kabahayan.

Ang bayan ng Gandara ay kilala sa mga produkto nitong queseo (kesong puti),[3] tableya, tinapa,[4] kaning kalinayan, kamote at mani na inaangkat ng buong rehiyon ng Silangang Kabisayaan at nailuluwas maging sa iba’t ibang dako ng kapuluan ng Pilipinas.

👁 Image
Queseo (kesong puti), katutubong putaheng keso ng Gandara bilang isa sa mga panghatak sa turismo at pangkabuhayang ipinagmamalaki.[5][6][7][8]

• Kapilya ni Maria Diana (Maria Diana’s Chapel)

Sa bayan din ng Gandara makikita ang himlayan ni Maria Diana Alvarez na pinaniniwalaang milagrosa ng mga Gandareño.[9]

👁 Image
Ang Kapilya ni Maria Diana (Maria Diana’s Chapel) na matatagpuan sa pampublikong sementeryo ng Gandara
👁 Image
Milagrosong katawan ni Maria Diana

Pistá ng Karabaw (Karabaw Festival)

Ipinagdiriwang ang pistáng ito bilang pagpupugay at pagkilala sa hayop na kalabaw dahil sa napakalaking ambag nito sa magsasaka sa gawaing sakahan at pagbibigay nito ng gatas na kailangan sa paggawa ng queseo na siyang pangunahing produkto ng bayan ng Gandara. Subok at marami na ang napatunayan ng Karabaw Festival pagdating sa pagkamalikhain at pagiging natatangi sa lahat. Dagdag pa, ito ay nagtamo na rin ng ikapitong panalo sa taunang patimpalak ng mga festival na isinasagawa sa Pagdiriwang ng Araw ng Samar (Samar Day Celebration) na ginugunita tuwing ikalabing-isa ng Agosto na kung saan nagtitipon ang mga kalahok sa panlalawigang kapitolyo sa lungsod ng Catbalogan upang magpakitang gilas at makipagpaligsahan.[10][11][12]

Taunang Parada sa Ilog (Annual Fluvial Parade)

Ang tradisyunal na parada sa ilog ng Gandara na isinasagawa tuwing buwan ng Setyembre ang siyang pinakatampok na okasyon sa taunang pagdiriwang ng pistá.[13]

👁 Image
Prusisyon sa ilog ng Gandara na dumaraan pailalim sa tulay ng Gandara

Gupo ng Simbahan ng Bangahon

Ang gupo ng Bangahon ay makasaysayang palatandaan na matatagpuan sa gawing bahagi ng ilog ng Gandara. Isa itong bayan noong kasagsagan ng panahon ng rebolusyon, subalit inabandona rin ng mga dating residente na kalauna’y nakahanap din ng lugar kung saan itinatag muli ang bayan.[14] Ang pook na ito ay ang orihinal na kinalalagyan ni San Miguel Arkanghel, ang patrono ng mga taga-roon, na nalalagay sa Brgy. Bangahon, Gandara, Samar.[4][15] Ang nasabing lugar sambahan ay nawasak noong umusbong ang digmaang Pulahan-Amerikano.[16] Ang simbaha’y naging tanyag dahil sa makasaysayan nitong Kampana ng Bangahon (Lingganay). Ang nasabing kampana’y sinamsam ng mga Amerikano noong ika-29ng Setyembre taong 1901 at dinala sa bayan ng Balangiga. Ang kampana ng simbahan ng Bangahon ay pinaniniwalaang isa sa mga Kampana ng Balangiga (Balangiga Bells).[17]

Ang bayan ng Gandara ay nahahati sa 68 na mga barangay ayun sa opisina ng taga-tala ng lupa dito.

  • Balocawe
  • Beslig
  • Burabod I
  • Burabod II (Pob.)
  • Buao
  • Bunyagan
  • Calirocan
  • Canhumawid
  • Caparangasan
  • Caranas
  • Carmona
  • Casab-ahan
  • Casandig
  • Caugbusan
  • Concepcion
  • Dumalo-ong (Pob.)
  • Elcano
  • Gerali
  • Giaboc
  • Hampton
  • Hinayagan
  • Hinugacan
  • Jasminez
  • Lungib
  • Mabuhay
  • Macugo
  • Minda (Pob.) (Monbon o Palanas)
  • Nacube
  • Nalihugan
  • Napalisan
  • Natimonan
  • Ngoso
  • Palambrag
  • Palanas
  • Piñaplata
  • Pizarro
  • Pologon
  • Purog
  • Rawis
  • Rizal
  • Samoyao
  • San Agustin
  • San Antonio
  • San Enrique
  • San Francisco
  • San Isidro (Dao)
  • San Jose
  • San Miguel
  • San Pelayo
  • San Ramon
  • Santa Elena
  • Santo Niño
  • Tagnao
  • Tambongan
  • Tawiran
  • Tigbawon
  • Marcos
  • Bangahon
  • Adela Heights (Pob.)
  • Arong
  • Catorse De Agosto
  • Diaz
  • Gereganan
  • Hetebac
  • Himamaloto
  • Hiparayan (Kinonongan)
  • Malayog
  • Sidmon

Mga Kilalang Tao

[baguhin | baguhin ang wikitext]

• Ramon T. Diaz

Antonio Yangzon Escoda, Sr

Julan Shirwod Nueva

Frankie Largo

Danreb Eran

• Maria Diana Alvarez

Senso ng populasyon ng
Gandara
TaonPop.±% p.a.
1903 12,014
1918 14,320+1.18%
1939 18,507+1.23%
1948 25,048+3.42%
1960 24,883−0.06%
1970 28,307+1.30%
1975 30,600+1.57%
1980 24,764−4.14%
1990 23,673−0.45%
1995 27,263+2.68%
2000 28,866+1.23%
2007 31,222+1.09%
2010 31,943+0.83%
2015 34,434+1.44%
2020 35,242+0.49%
2024 36,826+1.06%
Sanggunian: PSA[18][19][20][21]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Province:". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.
  2. "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.
  3. "Samar to boost delicacies via 'Secret Kitchen' drive | Philippine Canadian Inquirer" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-04-22.[patay na link]
  4. 1 2 "Officially the Municipality of Gandara, is a 2nd class municipality in the province of Samar, Philip". CHARLES LOMINOQUE (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-07-28. Nakuha noong 2020-04-23.
  5. agrimag (2018-08-04). "Native Carabaos Do Well in Niche Markets". Agriculture Monthly (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-04-23.
  6. gandara-samar-promotes-delicacy-made-carabaos-milk-421119 (2015-07-26). "Gandara, Samar promotes delicacy made with carabao's milk". Sunstar (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-05-09. Nakuha noong 2020-04-23.{{cite web}}: CS1 maint: numeric names: authors list (link)
  7. Share; Twitter; Twitter; Twitter. "OVP's carabao dispersal to boost Samar town cheese production". www.pna.gov.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-04-23.{{cite web}}: |last2= has generic name ()
  8. "Move over, Gandara Park: Samar unveils the real Gandara". www.philstar.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-04-23.
  9. Sanchez, Korina (March 27, 2016). "Hulog ng Langit". Rated K.{{cite news}}: CS1 maint: url-status (link)
  10. Journal, The Calbayog. "KARABAW FESTIVAL OF GANDARA, SAMAR". KARABAW FESTIVAL OF GANDARA, SAMAR (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-04-22.
  11. carabao-festival-triumphs-samar-day-297606 (2013-08-13). "Carabao Festival triumphs in Samar Day". Sunstar (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-04-22.{{cite web}}: CS1 maint: numeric names: authors list (link)[patay na link]
  12. Labro, Vicente S. "A festive day of pride for Samareños" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-04-22.
  13. "MUNICIPALITY OF GANDARA, SAMAR". MUNICIPALITY OF GANDARA, SAMAR. Nakuha noong 2020-04-22.
  14. "Gandara - Samar Destinations". www.localphilippines.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-08-18. Nakuha noong 2020-04-23.
  15. "Samar Island Spots". Trexplore the Adventures (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-04-23.
  16. "Bangahon Spanish Church Ruins, Province of Samar, Eastern Visayas, Philippines". ph.geoview.info. Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-04-26. Nakuha noong 2020-04-22.
  17. "Map - Gandara, Samar (Gandara) - MAP[N]ALL.COM". 174.127.109.64. Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-04-26. Nakuha noong 2020-04-22.{{cite web}}: no-break space karakter in |title= at position 15 ()
  18. Census of Population (2015). "Region VIII (Eastern Visayas)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite encyclopedia}}: CS1 maint: numeric names: authors list (link)
  19. Census of Population and Housing (2010). "Region VIII (Eastern Visayas)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.{{cite encyclopedia}}: CS1 maint: numeric names: authors list (link)
  20. Censuses of Population (1903–2007). "Region VIII (Eastern Visayas)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.{{cite encyclopedia}}: CS1 maint: numeric names: authors list (link) CS1 maint: url-status (link)
  21. "Province of". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.

Mga Kawing Panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]