VOOZH about

URL: https://tl.wikipedia.org/wiki/Newport

⇱ Gales - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya


Pumunta sa nilalaman
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Newport)
Ang artikulong ito ay karamihan o buong umaasa sa iisang sanggunian. Pakitulungang mapabuti ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. (Mayo 2021)
Gales
Cymru
Salawikain:Cymru am byth(Welsh)
"Wales Forever"
Awiting Pambansa:"Hen Wlad Fy Nhadau"(Welsh)
"Land of my fathers"
👁 Kinaroroonan ng  Gales  (kahel)– sa lupalop ng Europa  (kamelyo & puti)– sa Reyno Unido  (kamelyo)
Kinaroroonan ng Gales(kahel)

–sa lupalop ng Europa(kamelyo &puti)
–sa Reyno Unido(kamelyo)

Kabisera
at pinakamalaking lungsod
Cardiff
Wikang opisyalWelsh, Ingles
KatawaganCymry / Welsh
PamahalaanConstitutional monarchy
Rey
Charles III
Punong Ministro (ng UK)
Gordon Brown MP
Rhodri Morgan AM
Ieuan Wyn Jones AM
Secretary of State (in the UK government)
Paul Murphy MP
Unification
1056
Lawak
•Kabuuan
20,779km2 (8,023mikuw)
Populasyon
•Pagtataya sa 2005
2,958,6001
•Senso ng 2001
2,903,085
•Densidad
140/km2 (362.6/mikuw)
KDP(PLP)Pagtataya sa 2002
•Kabuuan
US$48 billion
•Bawat kapita
US$23,741
TKP(2003)0.939
napakataas
SalapiPound sterling (GBP)
Sona ng orasUTC0 (GMT)
•Tag-init(DST)
UTC+1 (BST)
Kodigong pantelepono44
Internet TLD.uk2
  1. Office for National Statistics - UK population grows to more than 60 million
  2. Also .eu, as part of the European Union. ISO 3166-1 is GB, but .gb is unused.

Ang Gales o Wales ay isang kaharian ng United Kingdom o Nagkakaisang Kaharian ng Gran Britanya at Hilagang Irlanda.

👁 Image
First Minister of Senedd Cymru (Welsh pariament)

Isang tangos ang lupaing kinalalagyan ng Gales na nasa gawing kanluran ng Britanya. Kinapapalooban ito ng mga bundok ng Cambrian, mga lambak, at ibang mga bulubunduking lupain. Makikita sa katimugan ng tangos ang bundok ng Snowdon, na may taas na 3,560 piye. Nasa Wales din ang isang malaking lawa, ang Bala.[1]

Nasa Gales din ang bayan na may pinakamahabang pangalan: ang Llanfairpwllgwyngyllgogerychwyrndrobwllllandysiliogogogoch, na ang ibig sabihin ay "Simbahan ni Santa Maria sa loob ng hungkag na puting kastanyo, malapit sa isang mabilis na umaalimpuyong tubig, at simbahan ni Santo Tysilio ng mapulang kuweba".[1]

Mga pangunahing ani

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Likas na mayaman sa uling ang Gales, at napagkukunan din ng tanso, oksido de sik, nikel, at apog.[1]

Mga mamamayan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Tinatawag na mga Welsh ang mga mamamayan ng Gales. Nagsimula sila sa tribung Celtic na nanggaling sa kanlurang Britanya. Nahaluan din ang mga Welsh ng mga lahing Norman at Ingles.[1]

Wika, sining, at panitikan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

May sariling wika ang mga Welsh. Nagmula ang kanilang wika mula sa wikang Gaeliko, ang wika ng mga Kelt. Isang wikang walang titik na J, K, V, X at Z ang alpabeto ng mga Welsh. Kabilang sa panitikan ng mga Welsh ang kuwentong-bayan ni Haring Arturo at mga Kabalyero ng Bilog na Mesa. Sa matandang literatura, itinuturing na mahalaga ang tulang Gododdin at mga kalipunan ng mga alamat, ang Mabinogion. Tinuturing ding mahalaga ang mga makatang sina Dafydd ap Gwilym at Dylan Thomas.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1 2 3 4 5 The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), nasa wikang Ingles, Grolier Incorporated, 1977, ISBN 0-7172-0508-8