VOOZH about

URL: https://tl.wikipedia.org/wiki/Paramaribo

⇱ Paramaribo - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya


Pumunta sa nilalaman
Paramaribo
👁 Ang kalye Waterkant sa Paramaribo
Ang kalye Waterkant sa Paramaribo
Palayaw:
Par'bo
Parijs van Suriname(Olanda)
(Paris ng Suriname)
Paramaribo (Timog Amerika)
Show map of Timog Amerika
Mga koordinado: 5°51′8″N 55°12′14″W / 5.85222°N 55.20389°W / 5.85222; -55.20389
Bansa👁 Image
Suriname
DistritoDistrito ng Paramaribo
Itinatag1613
Lawak
•Kabuuan182km2 (70milyakuwadrado)
Taas3m (10tal)
Populasyon
(Semso ng 2012)[1]
•Kabuuan240,924
•Kapal1,300/km2 (3,400/milyakuwadrado)
Sona ng orasUTC−3 (ART)

Ang Paramaribo (Bigkas sa wikang Olandes:[ˌpaːraːˈmaːriboː]; palayaw Par'bo) ay ang kabisera at ang pinakamalaking lungsod ng Suriname, matatagpuan sa mga pampang ng Ilog Suriname sa Distrito ng Paramaribo. Nasa mga 241,000 ang populasyon ng Paramaribo (senso ng 2012), halos kalahati ng populasyon ng Suriname.[1] Ang makasaysayang panloob na lungsod ng Paramaribo ay naging isang Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO simula pa noong 2002.[2]

Ipinangalan ang lungsod sa katutubong Paramaribo na nakatira sa bunganga ng Ilog Suriname; mula ang pangalan sa salitang Tupi–Guarani na para "malaking ilog" + maribo "mga naninirahan".[3]

👁 Image
Isang litograpiya noong dekada 1830 ng palengke

Marahil na isang korupsyon ang pangalang Paramaribo ng isang nayong Indiyano na Parmurbo.[4] Ito ang unang lokasyon ng unang paninirahan ng mga Olandes, isang lugar kalakalan na itinatag ni Nicolaes Baliestel at Dirck Claeszoon van Sanen noong 1613.[4]

👁 Image
Ressorten ng distrito ng Paramaribo.

Sa administratibo, may sariling distrito ang Paramaribo sa Suriname. Sa gayon, tumutumbas ang mga distrito ng Paramaribo sa mga borough ng isang lungsod. May labing-dalawang resort sa distrito ng Paramaribo:[1]

Ressort/hurisdiksyon Sukat sa km kuw Densidad ng populasyon Populasyon (2012)[1]
Blauwgrond43661.331,483
Rainville31930.722,747
Munder141146.417,234
Centrum93252.720,631
Beekhuizen63297.217,185
Weg naar Zee41321.316,037
Welgelegen73387.019,304
Tammenga62385.515,819
Flora43836.519,538
Latour64358.029,526
Pontbuiten63246.223,211
Livorno9931.88,209

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1 2 3 4 "2012 Census Resorts Suriname" (PDF). Spang Staging (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 23 Disyembre 2021. Nakuha noong 28 Mayo 2020.
  2. "Historic Inner City Paramaribo". Unesco.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 29 Mayo 2020.
  3. E.M. Pospelov, Geograficheskie nazvaniya mira (Moscow: Russkie slovari, 1998), p. 322. (sa Ingles)
  4. 1 2 "Bijdragen en Mededeelingen van het Historisch Genootschap. Deel 35". Digital Library for Dutch Literature (sa wikang Olandes). 1914. Nakuha noong 29 May 2020.