Ang haydrohen[11] o idrohino (Ingles: hydrogen; Espanyol: hidrógeno) ay isang elementong kimikal sa talahanayang peryodiko na sinasagisag ng simbolong H at nagtataglay ng atomikong bilang 1.
Natuklasan ito ni Henry Cavendish noong 1766. Kabilang rin sa mga angking katangian nitong pagkakaroon ng atomikong bilang na 1, atomikong timbang na 1.00797, punto ng pagkatunaw na 259.14°C, punto ng pagkulong 252.5°C, densidad na = 0.08988 gramo sa bawat litro, at balensiyang 1.[12]
Sa karaniwang temperatura at presyon ito ay walang kulay, walang amoy, hindi metaliko, nagtataglay ng isang balensiyang elektron, at mabilis magdingas o magsiklab kung nasa porma ng diyatomikong gas (may dalawahang atomo). Ito rin ang pinakamagaan at pinakamarami o pinakamalaganp na elementong likas sa buong mundo at maging sa buong sansinukob.[12] Matatagpuan ang idroheno sa tubig at sa lahat ng organikong kawi at maging sa lahat ng may bahay na may buhay. Ang idroheno din ay may kakayahan na magkaroon ng reaksiyon sa kimikal na pamamaraan sa napakaraming elemento. Maging ang mga bituin ay nagtataglay ng idroheno sa kanilang plasmang estado. Ang elemento ring ito ang ginagamit sa paggawa ng amonya — isa alternatibong panggatong at sa kasalukuyan ay mas mabisang pinanggagalingan ng mga selulang panggatong (mga fuel cell).
Nagagamit ang hidroheno sa paggawa ng sintetikong amonya at metanol. Ginagamit din ito sa pagrerepina o pagdadalisay ng petrolyo, sa hidrohenasyon ng mga materyal na organiko, at maging sa pagpapasindi ng mga sulong oksihidroheno. Sangkap din ito sa mga panggatong na pangkuwitis.[12]
Etimolohiya ng salitang hidroheno
[baguhin | baguhin ang wikitext]Hango ang salitang hidroheno mula sa Kastilang salita na hidrógeno na nagmula naman sa salitang Latin na hydrogenium na hango naman sa katagang Griyego na hydro: tubig at genes: nabubuo.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Standard Atomic Weights: Hydrogen" (sa wikang Ingles). CIAAW. 2009.
- ↑ Prohaska, Thomas; Irrgeher, Johanna; Benefield, Jacqueline; Böhlke, John K.; Chesson, Lesley A.; Coplen, Tyler B.; Ding, Tiping; Dunn, Philip J. H.; Gröning, Manfred; Holden, Norman E.; Meijer, Harro A. J. (2022-05-04). "Standard atomic weights of the elements 2021 (IUPAC Technical Report)". Pure and Applied Chemistry (sa wikang Ingles). doi:10.1515/pac-2019-0603. ISSN1365-3075.
- ↑ Wiberg, Egon; Wiberg, Nils; Holleman, Arnold Frederick (2001). Inorganic chemistry. Academic Press. p.240. ISBN978-0123526519.
- ↑ Arblaster, John W. (2018). Selected Values of the Crystallographic Properties of Elements. Materials Park, Ohio: ASM International. ISBN978-1-62708-155-9.
- ↑ Lide, D. R., pat. (2005). "Magnetic susceptibility of the elements and inorganic compounds". CRC Handbook of Chemistry and Physics (PDF) (ika-86th (na) labas). Boca Raton (FL): CRC Press. ISBN978-0-8493-0486-6.
- ↑ Weast, Robert (1984). CRC, Handbook of Chemistry and Physics. Boca Raton, Florida: Chemical Rubber Company Publishing. pp.E110. ISBN978-0-8493-0464-4.
- ↑ "Hydrogen". Van Nostrand's Encyclopedia of Chemistry. Wylie-Interscience. 2005. pp.797–799. ISBN978-0-471-61525-5.
- ↑ Emsley, John (2001). Nature's Building Blocks. Oxford: Oxford University Press. pp.183–191. ISBN978-0-19-850341-5.
- ↑ Miśkowiec, Paweł (April 2023). "Name game: The naming history of the chemical elements—part 1—from antiquity till the end of 18th century". Foundations of Chemistry. 25 (1): 29–51. doi:10.1007/s10698-022-09448-5.
- ↑ Stwertka, Albert (1996). A Guide to the Elements. Oxford University Press. pp.16–21. ISBN978-0-19-508083-4.
- ↑ "haydrohén": Del Rosario, Gonsalo (1969). Salcedo, Juan (pat.). Maugnaying Talasalitaang Pang-agham Ingles-Pilipino (sa wikang Filipino). Maynila, Pilipinas: Lupon sa Agham. p.169.
- 1 2 3 Gaboy, Luciano L. Hydrogen, hidroheno - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
Lahat sa wikang Ingles:
- Los Alamos National Laboratory – Hydrogen Naka-arkibo 2010-01-11 sa Wayback Machine.
- RIKEN Beam Science Laboratory, Japan - Heavy hydrogen research Naka-arkibo 2007-08-03 sa Wayback Machine.
- Nuclides and Isotopes Naka-arkibo 2011-02-02 sa Wayback Machine. Fourteenth Edition: Chart of the Nuclides, General Electric Company, 1989
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Lahat sa wikang Ingles:
- Wiktionary – Hydrogen in different languages
- WebElements.com – Hydrogen
- EnvironmentalChemistry.com – Hydrogen
- It's Elemental – Hydrogen Naka-arkibo 2020-05-02 sa Wayback Machine.
- Pictures of Hydrogen Naka-arkibo 2010-05-04 sa Wayback Machine.
- The Hydrogen Expedition Naka-arkibo 2017-06-27 sa Wayback Machine.
- Hydrogen H2 Properties, Uses, Applications
- The Hydrogen Expedition Naka-arkibo 2017-06-27 sa Wayback Machine.
| Talahanayang peryodiko | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
| H | He | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
| Li | Be | B | C | N | O | F | Ne | ||||||||||||||||||||||||||||||||||
| Na | Mg | Al | Si | P | S | Cl | Ar | ||||||||||||||||||||||||||||||||||
| K | Ca | Sc | Ti | V | Cr | Mn | Fe | Co | Ni | Cu | Zn | Ga | Ge | As | Se | Br | Kr | ||||||||||||||||||||||||
| Rb | Sr | Y | Zr | Nb | Mo | Tc | Ru | Rh | Pd | Ag | Cd | In | Sn | Sb | Te | I | Xe | ||||||||||||||||||||||||
| Cs | Ba | La | Ce | Pr | Nd | Pm | Sm | Eu | Gd | Tb | Dy | Ho | Er | Tm | Yb | Lu | Hf | Ta | W | Re | Os | Ir | Pt | Au | Hg | Tl | Pb | Bi | Po | At | Rn | ||||||||||
| Fr | Ra | Ac | Th | Pa | U | Np | Pu | Am | Cm | Bk | Cf | Es | Fm | Md | No | Lr | Rf | Db | Sg | Bh | Hs | Mt | Ds | Rg | Cn | Nh | Fl | Mc | Lv | Ts | Og | ||||||||||
| |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
