Malabon ᜋᜎᜊᜓᜈ᜔ Lungsod ng Malabon | ||
|---|---|---|
| 👁 Image | ||
| ||
| 👁 Mapa ng Kalakhang Maynila na nagpapakita ng lokasyon ng Malabon Mapa ng Kalakhang Maynila na nagpapakita ng lokasyon ng Malabon | ||
Lokasyon sa Pilipinas | ||
| Mga koordinado: 14°40′N 120°58′E / 14.66°N 120.96°E / 14.66; 120.96 | ||
| Bansa | 👁 Image Pilipinas | |
| Rehiyon | Pambansang Punong Rehiyon (NCR) | |
| Lalawigan | — | |
| Distrito | Nag-iisang Distrito ng Malabon | |
| Mga barangay | 21 (alamin) | |
| Pagkatatag | 21 Abril 2001 | |
| Ganap na Lungsod | 21 Abril 2001 | |
| Pamahalaan | ||
| •Punong Lungsod | Antolin A. Oreta III | |
| •Pangalawang Punong Lungsod | Bernard Dela Cruz | |
| •Manghalalal | 233,868 botante (2025) | |
| Lawak | ||
| •Kabuuan | 15.71km2 (6.07milyakuwadrado) | |
| Populasyon (Senso ng 2024) | ||
| •Kabuuan | 389,929 | |
| •Kapal | 25,000/km2 (64,000/milyakuwadrado) | |
| •Kabahayan | 94,241 | |
| Ekonomiya | ||
| •Kaurian ng kita | ika-1 klase ng kita ng lungsod | |
| •Antas ng kahirapan | 2.90% (2021)[2] | |
| •Kita | ₱2,464 million (2022) | |
| •Aset | ₱5,030 million (2022) | |
| •Pananagutan | ₱1,957 million (2022) | |
| •Paggasta | ₱2,182 million (2022) | |
| Sona ng oras | UTC+8 (PST) | |
| PSGC | 137502000 | |
| Kodigong pantawag | 02 | |
| Uri ng klima | Tropikal na monsoon na klima | |
| Mga wika | Tagalog Ingles | |
| Websayt | malabon.gov.ph | |
Ang Malabon o ang kinikilalang Lungsod ng Malabon ay isang lungsod sa Kalakhang Maynila.
Karamihan sa lupain ng bayang ito ay nagagamit sa paninirahan at pangkapamuhayan sapagka't ito ay nasa hilaga lamang ng Maynila. Nasa timog at silangang hangganan ng Malabon ang Caloocan, sa kanluran ang Navotas at sa hilaga ang Valenzuela. Ang karatig-bayan nito sa hilagang-kanluran ay ang Obando, Bulacan.
Sa senso ng 2024 nabilang ang populasyon ng Malabon na 389,929 samantalang ang bilang ng kabahayan ay 94,241. Isa ito sa mga lungsod na may pinakamakapal na populasyon sa Kamaynilaan dahil sa lawak nito na mahigit 15 kilometro kwadrado.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Panahon ng Kastila
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Malabon ay itinatag ng mga paring Agustino noong 21 Mayo 1599 sa tawag na "Tambobong" ("tambúbong"). Sakop ito ng Lalawigan ng Tondo mula taóng 1627 hanggang 1688.
Maraming naniniwalang galing ang katawagang "Malabon" sa salitang "malabóng" na ang kahulugan ay "maraming labóng" dahil sinasabing sagana ang lugar sa ganitong uri ng pananim.
Noong taóng 1851 itinatag sa Malabon ang kumpanyang La Princesa Tabacalera sa pangangasiwa ng La Compañia General de Tabacos de Filipinas ("Pangkalahatang pamumuhunan ng tabako sa Pilipinas") na pag-aari ng Kaharian ng Espanya.
Himagsikang Pilipino
[baguhin | baguhin ang wikitext]Unang naisalimbagan ang pahayagang La Independencia sa ampunang Asilo de Huérfanos sa Malabon.[3][4] Naganap ito mula Setyembre 1898 hanggang 15 Enero 1899 bago ilipat ang paglilimbag patungo sa San Fernando, Pampanga.[5]
Panahon ng Amerikano
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 11 Hunyo 1901 itinakda ng Philippine Commission Act No. 137 na ang Malabon ay gawing isa sa mga bayang kasapi ng bagong-tatag na Lalawigan ng Rizal.[6]
Itinakda ng Act No. 942 na ipag-anib ang Malabon at Navotas at pag-isahin ang kanilang mga pamahalaan.[7]
Noong 16 Enero 1906 itinakda ng Act No. 1441 na pagbukurin muli ang dalawang bayan.
Magmula Ikatlong Republika ng Pilipinas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 7 Nobyembre 1975 itinakda ng Atas ng Pangulo Blg. 824 na ang Malabon ay sakop na ng Kalakhang Maynila at hindi na ng Lalawigan ng Rizal.
Noong 21 Abril 2001 ginawang lungsod ang Malabon, 407 taon ang nakalipas mula sa pagkakatatag.
Heograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isa ang Malabon sa pinakamataong lungsod sa Pilipinas, at ang mababang lupain nito ang nagdudulot ng madalas na pagbaha, lalo na kapag tag-ulan at kapag umapaw ang mga ilog at tubig sa saplad. Ang apat na lungsod sa CAMANAVA ay madalas maapektuhan ng mga magkakaugnay na ilog dito, isa na rito ang Ilog Tullahan.
Ang mga ilog dito ay dating nalalayagan at pangingisda ang dating pangunahing ikinabubuhay ng mga mamamayan dito. Dating malawak, malalim, at may maayos na katangian ang tubig ng ilog na madalas na pinagkukuhan ng iba't ibang uri ng mga isda, na mahalagang bahagi pinagkukuhan ng pagkain ng mga tao dito. Ang mga puno, palay at mga gulay ay dating tumutubo sa paligid ng ilog. Subalit, ang mga lupaing agrikultural na ito ay napalitan ng bakuran ng mga industriya, at naging tahanan ng libu-libong mga maralita na gumawa ng mga barong-barong ng walang pahintulot.
Sa mga nagdaang mga taon, lumala ang mga pagbaha, na nagiging madalas at mataas. Pinakaapektado ay ang mga kabahayan sa mga pamayanan na nasa o malapit sa dalampasigan. Naging makipot at maliit ang mga ilog sa paglipas ng mga taon, at ang kakayahan nitong pigilan ang tubig ay nabawasan. [8]
Pagkakahati ng Pamumuno
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Malabon ay kasalukuyang nahahati sa 21 baranggay.
- Unang Distrito
- Baritan
- Bayan-bayanan
- Catmon
- Concepcion
- Dampalit
- Flores
- Hulong Duhat
- Ibaba
- Maysilo
- Muzon
- Niugan
- Panghulo
- San Agustin
- Santolan
- Tañong
- Ikalawang Distrito
- Acacia
- Longos
- Potrero
- Tinajeros
- Tonsuya
- Tugatog
Demograpiko
[baguhin | baguhin ang wikitext]| Taon | Pop. | ±% p.a. |
|---|---|---|
| 1903 | 20,136 | — |
| 1918 | 21,695 | +0.50% |
| 1939 | 33,285 | +2.06% |
| 1948 | 46,455 | +3.77% |
| 1960 | 76,438 | +4.24% |
| 1970 | 141,514 | +6.35% |
| 1975 | 174,878 | +4.34% |
| 1980 | 191,001 | +1.78% |
| 1990 | 280,027 | +3.90% |
| 1995 | 347,484 | +4.13% |
| 2000 | 338,855 | −0.54% |
| 2007 | 363,681 | +0.98% |
| 2010 | 353,337 | −1.04% |
| 2015 | 365,525 | +0.65% |
| 2020 | 380,522 | +0.85% |
| 2024 | 389,929 | +0.59% |
| Sanggunian: PSA[9][10][11][12] | ||
Relihiyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kabilang ang lungsod ng Malabon sa Diyosesis ng Kalookan. Halos 80% ng mga mamamayan nito ay mga Katoliko. Sa kasalukuyan, may walong parokya ng Katoliko Romano sa Malabon: San Bartolome, Sto. Rosario, Imaculada Concepcion, Exaltation of the Cross, San Antonio de Padua, Sacred Heart of Jesus, Immaculate Heart of Mary at ang Sts. Peter and John.
Ang iba pang relihiyon sa Malabon ay kinabibilangan ng Iglesia Filipina Independiente (kabilang sa Diyosesis ng Rizal at Pampanga, Parokya ng La Purisima Concepion de Malabon), Batista, Iglesia ni Cristo, Members Church of God International, Jesus Is Lord Church, at Seventh-day Adventist.
Mga Medya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga AM Transmiter
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga kilalang tao
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sining, agham, at akademya
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Benedicto Cabrera – Pilipinong pintor, ginawaran ng Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas
- Linda Ty Casper – Manunulat, nakatanggap ng S.E.A. Write Award.
- Ernesto Domingo – National Scientist of the Philippines para sa Internal Medicine/ Gastroenterology
- Epifanio de los Santos – Historian at bayani
- Erwin Mallari – Filipino watercolor artist
- Ismael Mallari – Kritiko sa panitikan at sining sa Pilipinas
- Nonoy Marcelo – Kartunista at animator
- CJ de Silva – Kilala bilang isang "Gifted Child" at isang "Promil Kid"
- José Zabala-Santos – Filipino cartoonist
- Ildefonso Santos – kilalang makata, tagapagturo, isa sa mga naunang tagapagsalin ng Lupang Hinirang[13]
- Ildefonso P. Santos Jr. – tagapanguna sa [[arkitekturang tanawin] ng Pilipinas], ginawaran ng Pambansang Artista ng Pilipinas[14]
- Armida Siguion-Reyna – Pilipina mang-aawit, pelikula at entablado aktres, prodyuser at host ng palabas sa telebisyon
Pamahalaan, politika at lipunan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Jessica Marasigan – Modelo at dating beauty queen na kumakatawan sa Malabon sa Binibining Pilipinas 2019
- Ben Tumbling – Kilalang Pilipinong gangster na siyang pinaka-hinahangad na kriminal sa Malabon noong kalagitnaan ng dekada 1970 hanggang unang bahagi ng dekada 1980.
- Teresa Aquino-Oreta – Dating tagapangulo ng Komite ng Senado sa Edukasyon, Sining at Kultura sa Ika-11 Kongreso.
- Benjamin de Jesus – Vicar Apostolic of Jolo mula 1992 hanggang sa kanyang pagpatay noong 1997.
- Rafael Crame – Pinuno ng Philippine Constabulary
- Epifanio de los Santos – Mananalaysay at bayani
- Loren Legarda – Senador at environmentalist na Pilipino
- Janet Lim-Napoles – Negosyanteng pinaniniwalaang utak ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) Scam.
- Gregorio Sanciangco – Pilipinong abogado at maagang tagapagtaguyod ng mga reporma sa ekonomiya sa Pilipinas
- Rolando Santos – obispo ng Roman Catholic Diocese of Alotau-Sideia sa Papua New Guinea
- Antolin Oreta III – dating alkalde ng lungsod (2012-2022)
- Jeannie Ng-Sandoval – incumbent city mayor
- Federico "Ricky" Sandoval II – dating kinatawan
- Canuto "Tito" Oreta – dating alkalde (2004-2012)
- Renee Co – Abogado, politiko, aktibistang karapatan ng mga estudyante, at 38th Student Regent ng UP System.
Isports at atletika
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Nathaniel Padilla – Isang atleta na nanalo ng 5 gintong medalya sa rapid pistol event sa South East Asian Games noong 1979, 1983, 1987, 1993, at 2009, siya ay anak ni Tom Ong.
- Jimmy Mariano – Dating Olympian at propesyonal na manlalaro ng basketball
- Tom Ong – Atleta na nakipagkumpitensya sa 1972 Summer Olympics at 1976 Summer Olympics
Iba pa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Ninong Ry – vlogger at chef
- 👁 Jose F. Oreta Hall of Justice Courts, Br. 73 & Br. 74, (presided by now SC Justice Bienvenido L. Reyes from 1990-2001) RTC (Catmon)Jose F. Oreta Hall of Justice Courts, Br. 73 & Br. 74, (presided by now SC Justice Bienvenido L. Reyes from 1990-2001) RTC (Catmon)
- Malabon City Jail, Bureau of Jail Management and Penology (Catmon)
- Office of the City Prosecutor (Catmon)
- 👁 Halls of Justice Building, Br. 55 & Br. 56, Metropolitan Trial Courts of Malabon City & Navotas (Golden Dale Subdivision, Tenejeros)Halls of Justice Building, Br. 55 & Br. 56, Metropolitan Trial Courts of Malabon City & Navotas (Golden Dale Subdivision, Tenejeros)
- 👁 Halls of Justice Building, RTC, Brs. 72, 73, 74, 169, 170 & Office of the Clerk of Court (Tenejeros)Halls of Justice Building, RTC, Brs. 72, 73, 74, 169, 170 & Office of the Clerk of Court (Tenejeros)
- Court room, sala of Br. 73, RTC (presided by Hon. Carlos M. Flores)
Iba pang mapagbabasahan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Official City Government Website Naka-arkibo 2004-09-01 sa Wayback Machine.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Province: NCR, THIRD DISTRICT (Not a Province)". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.
- ↑ "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.
- ↑ manilastandardtoday.com, Malabon City: A sight of progress
- ↑ wikimapia.org, Malabon City Hall
- ↑ loc.gov La independencia. Library of US Congress.
- ↑ "An Act Extending the Provisions of the Provincial Government Act to the Province of Rizal". LawPH.com. Nakuha noong 2011-04-12.
- ↑ "An Act Reducing the Thirty-two Municipalities of the Province of Rizal to Fifteen". LawPH.com. Nakuha noong 2011-04-12.
- ↑ CDKN INSIDE STORY: Understanding the risk of flooding in the city: The case of Barangay Potrero, Metro Manila
- ↑
Census of Population (2015). "National Capital Region (NCR)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.
{{cite encyclopedia}}: CS1 maint: numeric names: authors list (link) - ↑
Census of Population and Housing (2010). "National Capital Region (NCR)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.
{{cite encyclopedia}}: CS1 maint: numeric names: authors list (link) - ↑
Censuses of Population (1903–2007). "National Capital Region (NCR)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.
{{cite encyclopedia}}: CS1 maint: numeric names: authors list (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ "Province of Metro Manila, 3rd (Not a Province)". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.
- ↑ "Celebrating our kalayaan". The Philippine Star. Nakuha noong Enero 19, 2020.
{{cite news}}: Unknown parameter|huling=ignored (); Unknown parameter|una=ignored () - ↑ "Mga Pambansang Artista". United Architects of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong . Nakuha noong Enero 19, 2020.
