Ayuda sa MC Taxis, pinabilis
MANILA, Philippines — Personal na binisita nila Malabon City Mayor Jeannie Sandoval at DSWD Secretary Rex Gatchalian ang Cash Relief Assistance na ginanap sa Hulo Duhat Oval Malabon para sa 694 MC Taxi drivers na apektado ng oil crisis dulot ng giyera sa Middle East. Naging maayos at mabilis ang naging payout sa mga MC Taxi drivers.
Pinasalamatan ni Mayor Sandoval si Secretary Gatchalian sa pagbisita sa lungsod at nagpahatid din ng pasasalamat ang alkalde kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagbibigay tulong sa mga drivers mula sa mga TODA, Jeepney, TNVS, at mga delivery drivers.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si Gatchalian sa suporta at kooperasyon ng lokal na pamahaalaan ng Malabon at asahan pa ang mga susunod na tulong na ipaaabot sa mga darating na araw.
- Latest
abtest
