Apo emosyonal sa graduation dahil kina Aga at Janice
Walang hindi pinagkakasunduan ang mga magulang ni Chef Luigi de Belen Muhlach na sina Aga Muhlach and Janice de Belen pagdating sa kanilang panganay na anak at sa kanilang apat na mga apo na sina Alejandro, Adriana, Anya at Ariella.
Parehong dumalo sina Aga at Janice sa graduation ceremony ng kanilang apong si Adi na naging emotional sa kanyang graduation speech.
Proud grandparents sina Aga at Janice sa kanilang panganay na apo.
Hindi man sina Aga at Janice ang nagkatuluyan sa totoong buhay, nanatili naman silang magkaibigan.
Lahat ng mga anak, magpipinsan hanggang sa mga apo ng mga Muhlach ay kailangang magsimula sa letter ‘A’ ang pangalan and this is carried on hanggang ngayon.
Suzette, buhay pa rin ang career
Inamin ng veteran actress na si Suzette Ranillo, anak na namayapang veteran award-winning actress na si Gloria Sevilla at una nitong mister, ang late actor na si Mat Ranillo, Jr. (na sumakabilang-buhay sa plane cash in 1969) sa edad na 40, na nasa grade school pa lamang umano sila noon ng kanyang mga kapatid na sina Lilybeth, Mat, Jojo at Dandin habang ipinagbubuntis pa lamang noon ng kanilang inang si Gloria ang kanilang bunsong kapatid na si Juni. She was seven months pregnant kaya hindi na nasilayan pa ng kanilang ama ang kanyang youngest brother. May isa naman silang kapatid na si Czrareneah Cortez sa second husband ng kanilang ina, ang actor at diplomat na si Amado Cortez.
Lahat silang magkakapatid ay naka-base na sa Amerika habang si Suzette na lamang ang natitirang aktibo sa kanyang showbiz career sa Pilipinas. Ang nakatatanda nitong kapatid na si Mat ‘Archie’ Ranillo III at pamilya nito ay sa Los Angeles, California, USA naka-base gayundin din ang anak nitong (dating) aktres na si Krista Ranillo at mister nitong negosyante na si Niño Lim at limang anak. Ang iba pang mga kapatid ni Suzette ay sa Bay Area ng California naninirahan.
“I’m just thankful to Viva dahil parati silang may project for me,” ani Suzette na may bagong movie project, ang horror movie na Rosario na palabas sa mga sinehan simula ngayong Abril 22, 2026.
When not busy ay doon lamang siya bumabalik ng Amerika.
Si Suzette ang bukod tanging hindi nakapag-asawa sa kanilang magkakapatid dahil siya ang nag-alaga sa kanilang namayapang ina.
Bukod sa acting, sumubok na rin si Suzette sa pagdidirek ng dalawang pelikula.
Tulad ng kanyang namayapang ina, very passionate si Suzette sa kanyang trabaho bilang actress and when she’s directing.
“I miss my mom,” malungkot niyang sambit.
- Latest
