VOOZH about

URL: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/showbiz/2026/04/02/2518479/kontrobersiya-sa-pamilya-lopez-pang-teleserye

⇱ Kontrobersiya sa Pamilya Lopez, pang-teleserye! | Pilipino Star Ngayon


👁 Image
👁 psn
About Us | Contact Us | Advertise | Privacy Policy | Member Agreement | Copyright Notice
Copyright © 2026. Philstar Global Corp. All Rights Reserved
👁 Image
👁 Image
👁 Image
👁 Image
👁 Image
👁 Image
👁 Image
Subscribe
👁 ^

Kontrobersiya sa Pamilya Lopez, pang-teleserye!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
April 2, 2026 | 12:00am
Eugenio ‘Gabby’ Lopez III
STAR / File

Mala-teleserye rin itong kuwento ng pamilya Lopez na kung saan sangkot ang ABS-CBN.

Sabi ng ilang netizens, mas maganda kung itong kuwento ng kanilang pamilya ang gawing teleserye at tiyak na magandang ipalit sa timeslot ng Batang Quiapo.

Sa totoo lang, mala-teleserye talaga, at naglabas nga ng press statement ang naturang kumpanya na wala raw kinalaman ang ABS-CBN sa kanilang family dispute.

Sabi sa press statement na inilabas nila bago mag-Holy Week: “We wish to state that ABS-CBN is not a party to this case. We, however, wish to address two claims attributed to court records.

“First, on the claim of ‘unresolved audit findings.’ There were no audit findings. There is nothing to resolve. The claim is unfounded.

“Second, on the claim that the proposed capital infusion could go to ‘payouts for certain executives.’ No such payouts have been made. No such payouts are planned. This claim is equally baseless.

“Since losing its franchise in 2020, the company has faced challenges unlike any in its history. ABS-CBN has not stopped fighting to ensure its continued existence. It has not stopped serving. The last thing it needs is for its people to be misrepresented in a dispute it is not involved in.”

Ang nakalagay na mga pangalan na members ng Board of Directors ng ABS-CBN Corporation ay sina Martin Lopez, Carlo L. Katigbak, Rafael L. Lopez. Honorio Poblador IV, Emmanuel de Dios at Randolf S. David.

Ang latest na lumabas ngayon ay pinapatanggal na ang tycoon na si Piki Lopez bilang presidente at CEO ng Lopez Inc.

Ang tatlong family factions na pinangunahan ng media tycoon na si Eugenio ‘Gabby’ Lopez III ay nakuha ang botong 5-2 noong Feb. 27 para matanggal ang pinsang si Piki Lopez.

Nasa by-laws daw ng Lopez Inc., “allow the removal of any corporate officer even without cause by a majority vote.”

Malalim at masalimuot ang kuwento ng pamilyang ito at sa totoo lang, ito talaga ang magandang pang teleserye na interesanteng susubaybayan ng sambayanan.

Kampo ni Arjo, pagod na raw sa mga intriga

Ipinagkibit-balikat na lamang daw ng mag-asawang Cong. Arjo Atayde at Maine Mendoza ang kuwentong hiwalayan dahil sa hindi lang nakadalo ang Eat Bulaga host sa nakaraang birthday celebration ng mag-amang Art at Ria Atayde.

Biglang sila na ang tinutukoy na ‘power couple’ na hiwalay na raw.

Ayon sa ilang napagtanungang malapit sa pamilya Atayde noong March 27 daw talaga ang anniversary ng mag-asawang Art at Sylvia Sanchez. Nagkaroon daw sila ng dinner nung araw na ‘yun, pero hindi nakadalo ang mag-asawang Zanjoe at Ria, at ganundin sina Cong. Arjo at Maine, dahil hindi tumugma sa schedule nila.

Ang nakadalo lang daw sa mga anak ng mag-asawa ay sina Gela at Xavi. Kaya noong Linggo ay nagpa-surprise dinner daw sina Cong. Arjo at Ria kasama ang kanilang asawa.

Na-touch siyempre sila Sylvia dahil nag-effort ang mga anak niya na maghanda ng surprise dinner para sa kanila ni Art.

‘Yun lang naman daw, kaya ipinost ito ni Sylvia. Hindi para pasinungalingan ang kumakalat na isyu tungkol sa mag-asawang Arjo at Maine.

Sabi ng napagtanungan namin, tila namanhid na raw kasi sila sa kare-react sa kung anu-anong kuwentong ibinabato sa kanilang pamilya lalo na kay Cong. Arjo.

Nagngingitngit sa pagkabanas ang nakausap naming ayaw nang ipabanggit ang pangalan. Kasi kung anu-ano na lang daw ang ikinakabit na isyu kay Cong. Arjo na wala namang katotohanan.

Hindi pa rin daw matapus-tapos ‘yang pagkadawit kay Cong. Arjo sa isyu ng flood control, gayung nilinaw na raw mismo ni Usec. Bernardo na walang ghost projects sa Quezon City.

Ang isa pang nilinaw sa amin ng kampo ni Cong. Arjo ay ‘yung pagkadawit din niya sa Maharlika Pilipinas Basketball League o MPBL na isa raw siya sa may-ari.

Kahit kami ay nagtaka bakit ginawa na siyang isa sa may-ari kasama si Sen. Jinggoy Estrada at dating senador Manny Pacquiao.

Sa pagkakaalam namin ay si Manny Pacquiao ang may-ari nito, at meron lang team na kasali na pag-aari ni Sen. Jinggoy.

Ang paliwanag sa amin, meron lang daw mga scholar si Cong. Arjo na basketball players at ipinasok niya ito sa isang team. Hindi na namin inalam kung saang team. Pero ‘yun lang daw ang partisipas­yon ni Cong. Arjo.

Kaya, itong isyung hiwalayan ay hindi na raw nila pinapansin sa rami ng iba pang ibinibintang kay Cong. Arjo Atayde at sa kanilang pamilya.

BrandSpace Articles
<
>
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Recommended
Lawyers of Vice President Sara Duterte were not consulted by those who asked the Supreme Court (SC) to stop the impeachment proceedings against her at the House committee on justice.
2 days ago
Sandiganbayan denies bail reconsideration for DPWH officials in P289-M project case.
2 days ago
The House of Representatives can address the country’s urgent concerns while still carrying out its constitutional duty to hear the impeachment complaints against Vice President Sara Duterte, House assistant majority leader and Lanao del Sur 1st district Rep. Zia Alonto Adiong said yesterday.
3 days ago
The Sandiganbayan has convicted two former officials of the Department of Public Works and Highways based in Soccsksargen, in connection with spurious payments for the right-of-way of government projects in South Cotabato.
3 days ago
The House of Representatives will continue its impeachment proceedings against Vice President Sara Duterte next month despite a petition filed before the Supreme Court by her supporters.
4 days ago
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

E-mail Address:
Password
SIGN IN
or sign in with
This site uses cookies. By continuing to browse the site, you are agreeing to our use of cookies.