VOOZH about

URL: https://tl.wikipedia.org/wiki/Biñan

⇱ Biñan - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya


Pumunta sa nilalaman
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Biñan

ᜊ̊ᜈᜈ̟

Lungsod ng Biñan
👁 Image
👁 larawan ng Laguna na nagpapakita ng kinaroroonan ng Biñan.
larawan ng Laguna na nagpapakita ng kinaroroonan ng Biñan.
Mga koordinado: 14°20′N 121°05′E / 14.33°N 121.08°E / 14.33; 121.08
Bansa👁 Image
Pilipinas
RehiyonCalabarzon (Rehiyong IV-A)
LalawiganLaguna
DistritoNag-iisang Distrito ng Biñan
Mga barangay24 (alamin)
Pagkatatag1688
Pamahalaan
Punong LungsodWalfredo "Arman" B. Dimaguila Jr.
•Manghalalal227,474 botante (2025)
Lawak
•Kabuuan43.50km2 (16.80milyakuwadrado)
Populasyon
(Senso ng 2024)
•Kabuuan584,479
•Kapal13,000/km2 (35,000/milyakuwadrado)
•Kabahayan117,720
Ekonomiya
Kaurian ng kitaika-1 klase ng kita ng bayan
•Antas ng kahirapan5.75% (2021)[2]
•Kita₱3,555 million (2022)
•Aset₱9,412 million (2022)
•Pananagutan₱2,831 million (2022)
•Paggasta₱2,912 million (2022)
Sona ng orasUTC+8 (PST)
Kodigong Pangsulat
4024
PSGC
043403000
Kodigong pantawag49
Uri ng klimaTropikal na monsoon na klima
Mga wikaTagalog
Websaytbinan.gov.ph

Ang Lungsod ng Biñán ay isang unang uring Lungsod sa lalawigan ng Laguna, Pilipinas. Mula sa Kalakhang Maynila, ang Biñan ay mararating sa pamamagitan ng South Luzon Expressway. Ang Biñan ay naging katulad ng pamayanang maunlad ng Kalakhang Maynila at ang pook ng pinakamamalaking pagawaan at isang pook tagagawa ng pang-angkat sa Pilipinas. Ayon sa senso ng 2024, ito ay may populasyon na 584,479 sa may 117,720 na kabahayan.

Ang Biñan ay ang ikalawang bayan na madadaanan mula sa Kalakhang Maynila patungong Timog. Ang bayan ng Biñan ay kasama sa tatlong bumubuo sa unang distrito ng Laguna.

Ang Biñan ay matatagpuan 35 kilometro (22mi) timog ng Manila at 52 kilometro (32mi) mula sa Santa Cruz. Ito ay napapahangganan sa hilaga ng San Pedro, sa kanluran ng Heneral Mariano Alvarez, Carmona, at Silang, sa timog ng Santa Rosa, habang nasa silangan ng Laguna Bay [[Laguna Bay].

Sinasaklaw ng lungsod ang kabuuang sukat ng lupain na 43.50km2 (16.80mikuw) na kumakatawan sa Padron:Porsiyento ng buong lalawigan ng Laguna. Noong 2020, ang Biñan ay may kabuuang populasyon na 407,437.Template:PH wikidata called with unsupported input "population_reference" Ito ang pangatlo sa pinakamaraming populasyon sa probinsya (12% ng populasyon ng probinsya), kasunod lamang ng Calamba (16%) at Santa Rosa City (12.3%).

Ang Biñan ay karaniwang patag na may 85.33% ng kabuuang lawak nito na may slope na sero hanggang 2.5%. Saklaw nito ang lahat ng 24 na barangay maliban sa maliliit na bahagi ng mga barangay ng Biñan at San Francisco na may slope na mula 2.6 hanggang 25%, ibig sabihin ay banayad hanggang sa malakas na slope ito. Dahil mahigit tatlong-kapat ng lawak nito ay karaniwang patag hanggang halos pantay, ginagawa nitong angkop ang Biñan para sa agrikultural at urban na pag-unlad.

Mga Katangian ng Lupa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa labing-isang serye ng lupa na bumubuo sa lawak ng lupa ng Laguna, ang serye ng Carmona at Gingua ay sumasaklaw sa humigit-kumulang dalawang uri na makikita lamang sa Biñan. Ang serye ng Carmona ay sumasaklaw sa humigit-kumulang 2,577 ektarya (6,370 akre) o 59.24percent na makikita sa lawak ng lupa ng Biñan. Ang lupang agrikultural sa mga lugar na ito ay pangunahing nakatuon sa produksyon ng bigas at asukal. Sa kabilang banda, ang serye ng Gingua, partikular ang pinong uri ng buhangin, ay sumasaklaw sa 315 ektarya (780 akre) na isa sa mga pinakaproduktibong lupa sa Laguna kung saan ang iba't ibang pananim lalo na ang mga gulay ay itinatanim nang kapaki-pakinabang. Ang dalawa pang pangunahing serye ng lupa na bumubuo sa Biñan ay ang serye ng Guadalupe na sumasaklaw sa 660 ektarya (1,600 akre) at ang serye ng Lipa na may 798 ektarya (1,970 akre).

Ang bayan ng Biñan ay nahahati sa 24 na mga barangay.

  • Biñan (Poblacion)
  • Bungahan
  • Santo Tomas (Calabuso)
  • Canlalay
  • Casile
  • De La Paz
  • Ganado
  • San Francisco (Halang)
  • Langkiwa
  • Loma
  • Malaban
  • Malamig
  • Mampalasan
  • Platero
  • Poblacion
  • Santo Niño
  • San Antonio
  • San Jose
  • San Vicente
  • Soro-soro
  • Santo Domingo
  • Timbao
  • Tubigan
  • Zapote

Ang klima ng Biñan ay nailalarawan sa pamamagitan ng dalawang kapansin-pansing panahon: tuyo mula Nobyembre hanggang Abril at basa sa natitirang bahagi ng taon. Ang pinakamataas na pag-ulan ay nangyayari mula Hunyo hanggang Setyembre na may taunang average na pag-ulan na 200mm (7.9in). Ang Biñan ay protektado ng mga bundok sa mga paligid na lugar, at sa gayon ay ginagawa nitong mas malamig ang lugar.

Datos ng klima para sa {{{location}}}
Buwan Ene Peb Mar Abr May Hun Hul Ago Set Okt Nob Dis Taon
[kailangan ng sanggunian]

Ang pangalang ng bayan ay pinaniniwalaang nagmula sa salitang "binyagan". Natuklasan ng mga Kastila ang Biñan noong huling bahagi ng ika-6 na buwan 1571, isang buwan pagkatapos itatag ni Miguel Lopez de Legazpi ang Maynila ayon sa mga matatandang kasulatan.

Noong 1769, ang punong bayan panlalawigan ay inilipat mula Bay patungong Pagsanjan, ang Biñan ay inihiwalay sa Bay at naging bahagi ng Santa Rosa. Noong 1771, noong panahon ni Pablo Faustino, ang Biñan ay inihiwalay mula sa Santa Rosa at naging isang bayan.

Ayon sa kasaysayan, ang Biñan ay kilala sa buong bansa dahil sa pagkakasali nito sa aklat ng talambuhay ni José Rizal, ang pambansang bayani. Sinasabi na tumira si Jose Rizal malapit sa nasabing bayan noong kabataan pa niya at nakapag-aral sa isang paaralang matatagpuan dito. Ang pangalan ng paaralan na pinasukan ni Jose ay hindi alam. Sa pag-alala kay Jose Rizal, isang "plake" ng pagkilala ang inilagay kung saan siya nanatili. Isang "monumento" naman ang itinayo sa gitna ng "plaza" ng Biñan, para ipaalala na minsan ay naging bahagi ng bayan ang pambansang bayani.

Noong 1903, ang mga katabing bayan ng Muntinlupa, na noon ay bahagi ng lalawigan ng Rizal, at San Pedro Tunasan ay pinagsama sa Biñan.[3][4] Ang parehong bayan ay kalaunan ay pinaghiwalay nang ang Muntinlupa ay ibalik sa Rizal bilang bahagi ng Taguig noong 1905 at ang San Pedro Tunasan ay nabawi ang katayuan nito bilang malayang munisipalidad noong 1907.[5][6]

Pagiging Lungsod

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong Pebrero 2, 2010, sa bisa ng Batas Republika Blg. 9740, ang Biñan ay naging isang lungsod na bahagi matapos tanggapin ng mga botante nito ang ratipikasyon sa isang plebisito. Ito ay naging ika-4 na lungsod sa lalawigan at ika-139 sa Pilipinas.

Sa bisa ng Batas Republika Blg. 10658, na nilagdaan noong Marso 27, 2015, ni Pangulong Benigno Aquino III, ang Biñan ay inihiwalay mula sa unang distrito ng kongreso ng Laguna at binuo ang nag-iisang distrito ng kongreso ng Biñan. Kalaunan ay nagkaroon ito ng hiwalay na representasyon sa Lupon ng Panlalawigan ng Laguna simula noong 2025.

Ang Biñan ay kilalang gitna ng kalakalan sa mga kalapit nitong mga bayan sa katimugan tulad ng mga bayan ng San Pedro, Santa Rosa, Carmona, Silang at punong hukbo Mariano Alvarez. Kadalasan ang mga nagtitinda sa mga palengke ng bayang kalapit nito ay dumadayo dito upang bumili ng kanilang paninda.

Isang pangkaraniwan na tanawin dito ay ang nga naghahanda at nag-aayos ng mga paninda sa kanila kanilang mga kinalalagyan, ang iba pa nga ay sa mga daan at masisikip na daanan pa nagtitinda, isa pa ay ang pagdating ng mga dyip at trak na may dala-dalang iba't ibang uri ng bunga, gulay, mga "produktong" gawa sa mantikilya, laman ng hayop, isda, asukal atbp. Ang palengke ng Biñan ay halos bukas 24 "oras" na ang "oras" nagdagsaan ay tuwing umaga (5:00 - 8:00 NU) dahil kilala ang mga Filipino na maaga nagsisimulang maghanapbuhay pagkat nais nilang iwasan ang matinding sikat ng araw sa tanghali.

Kilala rin ang bayan na sa paggawa ng mga masasarap na kakanin na may mga sahog sa ibabaw nito (Puto Biñan). Ang pinakakilalang gumagawa ng Puto sa Biñan ay matatagpuan sa barangay San Vicente.

Marami rin iba't-ibang hanapbuhay ang mga tao dito tulad ng paggawa ng tsinelas at sapatos atbp.

Edukasyon o Pag-aaral

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Biñan ay kinikilala na ring gitna ng pag-aaral sa unang "distrito" ng Laguna, dahil ito ang may pinakamaraming bilang ng mataas at mababang paaralan sa pook. Ang mga kilalang mga paaralan na matatagpuan sa bayan ay ang sumusunod:

Senso ng populasyon ng
Biñan
TaonPop.±% p.a.
1903 9,563
1918 10,692+0.75%
1939 16,238+2.01%
1948 20,794+2.79%
1960 33,309+4.00%
1970 58,290+5.75%
1975 67,444+2.97%
1980 83,684+4.41%
1990 134,553+4.86%
1995 160,206+3.32%
2000 201,186+5.00%
2007 262,735+3.75%
2010 283,396+2.79%
2015 333,028+3.12%
2020 407,437+4.34%
2024 584,479+9.05%
Sanggunian: PSA[7][8][9][10]
Talaksan:Biñan Church, Laguna, Pebrero 2023.jpg
Pangunahing tanaw ng Dambana ng Diyosesis at Parokya ni San Isidro Labrador de Biñan sa lumang lungsod

Ang karamihan sa mga tao ng Biñan ay mga Romanong Katoliko. Kabilang sa iba pang mga relihiyosong grupo ang Jesus Miracle Crusade International Ministry (JMCIM), ang Simbahan ni Hesukristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, ang Members Church of God International, Iglesia ni Cristo (Simbahan ni Cristo), Mga Kristiyanong Ebanghelikal, Nagkakaisang Simbahan ni Cristo sa Pilipinas, ang Nagkakaisang Simbahang Metodista, Mga Simbahang Presbyterian, Baptist at mga simbahang Bible Fundamental.

Mga kilalang personalidad

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Province: Laguna". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.
  2. "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.
  3. Batas Blg.939 (Oktubre 12, 1903), Isang Batas na nagbabawas sa tatlumpung munisipalidad ng Lalawigan ng La Laguna sa labinsiyam, nakuha noong Hunyo 15, 2023{{citation}}: CS1 maint: numeric names: authors list (link)
  4. Batas Republika Blg.1008 (Error: the date parameter cannot be empty for the template), Isang Batas na Nagbabago Batas Bilang Siyam na raan at tatlumpu't siyam, na pinamagatang "Isang Batas na nagbabawas sa tatlumpung munisipalidad ng Lalawigan ng La Laguna sa labinsiyam," at Batas Bilang Siyam na raan at apatnapu't dalawa, na pinamagatang "Isang Batas na nagbabawas sa tatlumpu't dalawang munisipalidad ng Lalawigan ng Rizal sa labinlima," at nagtatadhana na ang hangganan sa pagitan ng mga Lalawigan ng La Laguna at Rizal ay baguhin upang maisama sa La Laguna ang munisipalidad ng Muntinlupa na ngayon ay bahagi ng Rizal., nakuha noong Abril 24, 2022{{citation}}: Check date values in: |date= (); syntaxhighlight stripmarker in |date= at position 34 ()CS1 maint: numeric names: authors list (link)[patay na link]
  5. Batas Blg.1308 (Marso 22, 1905), Isang Batas na nagtatadhana para sa pagbabalik ng dating munisipalidad ng Muntinlupa mula sa Lalawigan ng La Laguna patungo sa Lalawigan ng Rizal, na nagpapawalang-bisa sa talata (e) ng seksyon uno at mga seksyon dalawa at tatlo ng Batas Bilang Isang libo at walo, at pagpapalit ng pangalan ng munisipalidad ng Pateros, ng Lalawigan ng Rizal, patungong Taguig., nakuha noong Abril 24, 2022{{citation}}: CS1 maint: numeric names: authors list (link)
  6. Batas Blg.1553 (Oktubre 29, 1906), Isang Batas na Nagdaragdag ng Bilang ng mga Munisipalidad sa Lalawigan ng La Laguna mula Dalawampu't Isa, sa pamamagitan ng Paghihiwalay Mula sa Biñan ng Dating Munisipalidad ng San Pedro Tunasan, Muling Pagbubuo ng Huli bilang isang Munisipalidad, at Pagbibigay sa Bawat Isa ng Teritoryong Binubuo Nito Bago ang Pagpasa ng Batas na Bilang na Siyam na Daan at Tatlumpu't Siyam., nakuha noong Hunyo 16, 2023{{citation}}: CS1 maint: numeric names: authors list (link)[patay na link]
  7. Census of Population (2015). "Region IV-A (Calabarzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite encyclopedia}}: CS1 maint: numeric names: authors list (link)
  8. Census of Population and Housing (2010). "Region IV-A (Calabarzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.{{cite encyclopedia}}: CS1 maint: numeric names: authors list (link)
  9. Censuses of Population (1903–2007). "Region IV-A (Calabarzon)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.{{cite encyclopedia}}: CS1 maint: numeric names: authors list (link) CS1 maint: url-status (link)
  10. "Province of Laguna". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.
  11. Bardinas, Mary Ann (Hulyo 25, 2019). "Paano siya naging mabangis na kalaban ng kabataan at maselan na si Zephanie Dimaranan sa mga nakaraang pagtanggi ni Zephanie Dimaranan sa Idol Philippines". ABS-CBN News. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 28, 2019. Nakuha noong Hulyo 28, 2019.
  12. "Zephanie Dimaranan, kinilala bilang grand winner ng 'Idol Philippines'". ABS-CBN News. Hulyo 28, 2019. Nakuha noong Hulyo 28, 2019.

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]